AMP MANWAL NG PAGPAPATAKBO (Operation's Manual)

____________________________________________________________________________________________
WARNING: 

Unauthorized reproduction of AMP Tool both the 25 lessons book and this operation's manual without the consent of its rightful owner is strongly prohibited and shall be charged with plagiarism under intellectual property rights law.  The violation act shall also weakens the 4th pillar of NZAC's foundational framework to be established under its Ways and Means with the aim of raising funds for church lot and building. 

___________________________________________________________________________________________



MANWAL NG 
PAGPAPATAKBO

MISYONG PROGRAMA NG APOSTOLIKONG 
MANDATO NG PANANAMPALATAYA
ni Pastor Carl C. Cortez, DMin., ThD.


(TUNTUNING PANG LOKAL NA IGLESIA)









MANWAL NG PAGPAPATAKBO
(OPERATION'S MANUAL)

Ang programang ito na saklaw ng kapamahalaan ng Neos Zoe Apostolic Center ay ang naglalayong maingatan ng mabuti ang gawain ng Dios sa lokal na iglesia at mapangasiwaan ito ng tama na tinitiyak na ito ay lalapat ng may kaayusan sa kaboohan.


PAGPAPAHALAGA NG DALOY NG PANGANGASIWA

Ang gawaing ito ay higit na pinapahalagahan ang kaayusan ng gawain na naniniwalang ang kawalan ng maayos na sistema at kaguluhan ay hindi buhat sa Dios. 1 Corinto 14:33 

Ang gawain ng Dios ay may tamang kapamahalaan (governance) at pamamahala o pangangasiwa na pinapairal para sa kaayusan at pag-iingat, mahigpit na pinapatupad ang pagpapasakop, respeto at pagmamahal sa mga namiminuno. Roma 13:1-2


Ang pastor ang pinunong tagapangasiwa o tagapagpaganap (executive) ng lokal na iglesia, ang konseho (representatives) naman ang kaniyang kaagapay na bumabalangkas ng alituntunin, plano, at programa (sa pangunguna ng tagapagpaganap), ang mga departamento o kagawaran naman ang magpapatupad nito sa lahat ng kanila kanilang mga pinangangasiwaan.



TALANGGUHIT NG PANGANGASIWANG LOKAL AT SISTEMA


ANG PROGRAMANG AMP

Ang AMP ay bunga ng pandemya. Bagaman ang karamihan ng mga aralin ay buo na, pinag-aaralang mabuti sa loob ng higit limang taon, hanggang sa dumating ang pandemya.

Sa paniniwalang ang pandemya ay hindi para sa mga mananampalataya bagkus ito ay parusa ng Dios sa mga hindi nagtitiwala sa kaniyang kapangyarihan at kakayahan, dito nagbuhat ang insipirasyon upang mas lalong maging masigasig na tumutok sa gawain ng Dios na dapat mas lalo itong magabayan at mapangasiwaan ng mabuti.

Ang AMP ay isinilang, nabuo sa loob ng dalawang taon mahigit na paghihigpit ng pamahalaan sa pisikal na pagititipon kasama ang pagsasara ng mga barangay at bayan ng kaniyang lagusan sa paglabas punta sa kabilang dako o pagpasok man (lockdown at quarantine).

Ang AMP o ‘Apostolikong Manwal/Mandato ng Pananampalataya’ na pwede ring tawaging ‘Apostolikong Mandato ng Pananampaltaya’ ay isang kasangkapang ginagamit sa pagpapatibay ng apat na mahalagang saligan na mga haligi ng NZAC-UPC Lumban/Pagsanjan gaya ng:

  • Pangaluluwa (Evangelism)

  • Pagdidisipulo (Discipleship)

  • Pagsamba (Worship)

  • Pamaraan at Tugon (Ways and Means)


Matrix 1 - MGA HALIGING PATIBAYAN



TUMBOK NA PINAPATIBAY

Ang AMP ay may tumbok na pinapatibay at pinapahalagahan. 

Ito ay rektang tumatalakay sa aral ng banal na kasulatan ayon sa kultura, pagpapahalaga ng kasaysahan at ng kasarinlan ng lahing katutubo gamit ang sariling wikang hindi hiram o kaugaliang hindi sa impluwensya ng mga banyaga. 

Ang AMP ay para sa mga mananampalatayang Pilipino saan mang panig sa mundo na siyang Kristiyanong Pilipino, ang nakatadhanang lahi na gagamitin ng Dios sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo ayon sa mga sinabi ng mga hula. Ito sadya para sa Apostolikong Mananampalayang Pinoy.



PAGPAPAHALAGA AT PAGSAALANG-ALANG NG PUNDASYON

Sapat ng makakatayong matibay ang tikas ng tindig ng isang gusali sa pamamagitan ng apat na haligi na kinakailangang maseguro na ang bawat pundasyon ay dapat malalim at malawak gamit ang tamang mga kasangkapan matitiyak na kayang hawakan ang bigat ng estraktorang nakatayo sa ibabaw nito na dapat higit sa lahat hindi ikokompromiso lalo’t ang kaniyang kalidad. 

Ano mang bahay na hindi matibay ang pundasyon ay madaling mabuwal o masira kapag ito ay susubukin ng panahon o ng ano mang kalamidad gaya din ng ano mang samahan o ng iglesia.



Matrix 2 - UNANG HALIGING PATIBAYAN

Matrix 3 - IKALAWANG HALIGING PATIBAYAN
Matrix 4 - IKATATLONG HALIGING PATIBAYAN

Matrix 5 - IKAAPAT NA HALIGING PATIBAYAN




SISTEMANG PINAPALOOBAN

Ang AMP ay isang kasangkapan (tool) na may kinapaloloobang sistema na siyang nilalamanan nito gaya ng nabanggit sa itaas na apat na mga haligi upang mas lalong masiseguro ang tibay ng gawaing ipinagkakatiwala ng Dios sa lahat ng kaniyang hinirang lalo’t sa larangan ng pangangasiwa na tiyak na may kaakibat na kapapanagutang may kinalaman sa paglago hindi lamang sa pananampalataya, sa pagkatoto ng tamang aral ng banal na kasulatan at pagtatanggol nito ng tama, kundi maging sa bilang at ng pakikipagrelasyon sa isa’t isa o pakikipagkapwa.

Ang buong sistema ng AMP ay hindi lamang makikita gamit ang manwal nito na AMP na kasangkapan sa pag-aaral, kundi sa ‘internet’ na naroroon ang mga ‘review lessons’ na mapapanood sa video at mababasa sa ‘webpage’ na25nzacbiblelessons.blogspot.com/”.

Makikita din sa FB Page ang mga kaganapan ng pagdidisipulo sa lahat ng dako na nararating ng proyekto ng pagtuturo.https://www.facebook.com/groups/1073166173414482”.

Ang pangangasiwa sa programa na pinangatawan ng mga tagadisipulo (disciplers) ay mahalagang malikha gaya ng mga sumusunod:

  • Lingkod Pangkat (Batch Servant), tumutukoy sa tagapanguna, taga tingin at taga paalala sa kinabibilangang kasabay na pangkat sa bilang na 20 na mga mag-aaral ng AMP na pagnakapagtapos ay isangguni sa mga Lingkod Sona (zone) upang magtalaga muli ng mga Lingkod Purok (area) na magbubukas ng pagdidisipulo ng AMP. Paalalahan din niya ang kaniyang pangkat sa buwanang pagtitipon para sa ‘updating’, ‘monitoring’ at ‘enhancement’ ng “AMP Project”.

  • Lingkod Sona (Zone Servant), tumutukoy sa nangangasiwa sa lahat ng mga purok na saklaw niya sa kinabibilangan niyang pangkat, at pagbigay alam niya ang tala ng pag-usad nito sa kaniyang ‘Lingkod ng Pangkat’ o ‘Batch Servant’ tuwing linggo.

  • Lingkod Purok (Area Servant), tumutukoy sa nangangasiwa ng purok na tinuturaan at ginagabayan sa paglagong espiritwal gamit ang AMP na kasangkapan, at siya ay magbigay din alam ng tala ng pag-usad sa kaniyang ‘Lingkod ng Sona’ tuwing linggo.

  • Lingkod Kaagapay ng Purok (Area Intern Servant), tumutukoy sa kaagapay ng ‘Lingkod ng Purok’ na siyang maging ‘Lingkod ng Purok’ (Area Servant) ng panibagong purok (area) na mabubuksan.


PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

Ang AMP ay kasangkapan sa pagtuturo pang indibidwal (one on one), o pang grupo, na hinihikayat na ang bawa’t tuturuan ay dapat may hawak o pagmamay-ari din nito na ituring niyang armas sa pagiging mabisang lingkod ng Dios. 

Mas higit na mabisa ang pagtuturo kung gawin ito gaya ng sa klase na kalagayan o “classroom setting” na may guro o “discipler” at may mga estdudyante “pupil/students” o “disciples”. 

Ang lahat ay bahagi sa pag-aaral na dapat may inter-aksyon at partisipasyon ng mga mag-aaral.



PROGRAMANG PINAPATAKBO

Ang AMP ay naglalaman ng dalawampu't lima (25) na mga aralin na tatagal ng anim na buwan at dalawang linggo kung ituturo ang bawat aralin ng isang oras minsan isang beses kada linggo. 

Magdedepende sa luwag ng oras pagdalo ng bawat mag-aaral ang itakdang programa ng pag-aaral mula sa pagsisimula hanggang sa matapos ito gaya ng:

  • 'Regular session' - Isang aralin bawat linggo matapos sa anim (6) na mga buwan at dalawang (2) linggo.

  • 'Semi-fast track sesson' - 2 o 3 mga aralin bawat linggo matapos sa tatlong (3) buwan.

  • 'Fast track session' - Anim o pito (6-7) na mga aralin sa Isang (1) buwan at kalahati.
Ang lahat ng nakapagtapos ay bibigyan ng pagkilala o 'recognition' (certificate of completion) ng ‘AMP Discipleship Course’ at bigyan ng pabuya ang mga may mataas na marka sa mga pagsusulit gaya ng libreng manwal.



LAYUNIN NG PAGLAGO

Ang layunin na tinutumbok sa pagdami ay hindi lamang sa bilang kundi higit sa lahat ay sa aral at paglalim ng pananampalataya, at paglilingkod sa Dios bilang mga tunay na mga alagad ni Cristo.

Hindi kailanman mawawalan ng kontak ang bawat alagad na tumugon sa tawag ng Panginoon sa pangaluluwa at pagdidisipulo upang lumalim sa pagsamba sa Dios dahil meron malinaw na gabay na itinuro na ng Panginoong Hesus sa mga tunay niyang mga saksi. Sila ay binihisan ng Dios ng kapangyarihan upang mapapabilang na maging totoong mga saksi ni Cristo ayon sa mga Aklat ng mga Gawa 1:8. Narito ang mga aakayin sa ebanghelyo ng kaharian ni Cristo Hesus ng kaniyang magiging mga alagad. Magiging saksi sa kanila na siyang ating:

  • Jerusalem (pamilya - magulang, kapatid, asawa, mga anak)

  • Judea (mga kamag-anak)

  • Samaria (mga kapitbahay, mga kaibigan, katrabaho, kaklase)

  • Nasa malayo (mga kakilala o di kakilala na nasa malalayong lugar)

Ang ating Jerusalem ang dapat una nating akayin o madisipulo, sunod ang mga kamag-anak o Judea, mga kapitbahay, kaibigan o Samaria at mga nasa malayo. Sa unawang ito, walang dahilan upang ang sino mang lingkod ni Cristo ay walang maging bunga na kaluluwa o mga kaluluwa.




INAASAHANG PAGLAGO

Ang inaasahang doble ng paglago o higit pa ay hindi malayong mangyari, ito ay posible. Hindi lamang lalago sa bilang ang gawain ng Dios kundi lalo’t sa karunungan ng salita ng Dios at sa paglilingkod.

Ang bawa’t isa ay kailangang mag-akay ng kahit isa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan mula sa kaniyang Jerusalem, Judea, Samaria o mga taga malalayo, ang kaniyang bunga o mga bunga sa Panginoon.

Sa paghahalimbawa ng 20 mga tagadisipulo sa isang pangkat na inaasahang magbubunga ng higit na dalawang daan na bagong akay o disipulo sa semi-fast track na session.

Sa regular na session (1 lesson/week) na pagdidisipulo, tatakbo ng anim na buwan

- 20 tagadisipulo (disciplers) X 2 = 40 sa loob ng kalahating taon at 80 sa loob ng isang taon

Sa semi-fast track session (2 lessons/week) na pagdidisipulo, tatakbo ng tatlo na buwan

- 20 tagadisipulo (disciplers) X 2 = 40 sa loob ng tatlong buwan, 40 x 2 = 80 (2nd quarter), 80 X 2 = 160 (3rd quarter), 160 X 2 = 320 na disipulo sa loob ng isang taon

Sa fast track session (6-7 lessons/week) na pagdidisipulo, tatakbo ng isang buwan

- 20 tagadisipulo (disciplers) X 2 = 40 sa isang buwan, 40 X 2 = 80 sa dalawang buwan, 80 X 2 = 160 sa tatlong buwan… 320 sa apat na buwan, 640 sa limang buwan, 1,280 sa anim na buwan…

Paalala: Ang ‘regular session’ ang mas mainam na dapat pairalin sa mga baguhan pa lang o sa mga akay pa lamang.

Matrix 6 - SEMI-FAST TRACK NA PAG-AARAL



PAMANTAYAN NG PAMARAAN AT TUGON SA PANGANGAILANGAN

Ang lokal na iglesia na siyang sentro ng programa ay dapat pahalagahan at bigyan ng tamang tulong, agapay, tugunan higit sa lahat ang kaniyang pangangailangan pinansyal at ganun na rin sa mga gawain sa loob nito na pinangangasiwaan.

Ang ikasampung bahagi o tithes ng iglesia ay ibigay sa sentrong gawain o ‘main church’, ang lokal na iglesia.

Ang kabuohang kaloob na nalilikom ng bawat lingkod ng pook (area servant) na tumutukoy sa pagdidisipulo na nagaganap sa barangay o pook (area) ay ipagkatiwala sa lingkod ng sona (zone servant) linggo-linggo at ang ikasampung bahagi naman nito ay dadalhin ng lingkod ng pangkat sa konseho tuwing linggo kasabay ng tala nito ng pag-usad. Ang 50% sa kabuohan ay pupunta sa tagadisipulo (area servant) at 30% sa kabuohan ay sa kaagapay (area intern servant). Ibigay naman sa lingkod ng sona ang 5% at sa pangkat (batch servant) ang 5% para sa transportasyon, atbp.

  • 50% - tagadisipulo (disicipler)

  • 30% - kaagapay (intern)

  • 5% - lingkod ng sona (zone servant)

  • 5% - lingkod ng pangkat (batch servant)

  • 10% - sa konseho


MAHALAGANG TUNGKULIN NG LINGKOD PANGKAT

Mahalagang matingnan ang pag-usad ng bawat gawaing pagdidisipulo na nagaganap sa lahat ng purok at seguraduhing ito ay nababantayang mabuti na patuloy na magabayan sa paglago sa bilang at pagkatototo sa aral ni Cristo. 

Ang mga di umusad na purok o may hadlang ay kailangang ipagpaliban na muna, balikan na lang kapag handa na, at maghanap agad ng kapalit na masimulan at ito ay dapat isaalang alang at mapangasiwaan agad ng lingkod pangkat o ‘batch servant’ at ipagbigay alam sa konseho.


MAHALAGANG TUNGKULIN NG LINGKOD PANGKAT

Mahalagang matingnan ang pag-usad ng bawat gawaing pagdidisipulo na nagaganap sa lahat ng purok at seguraduhing ito ay nababantayang mabuti na patuloy na magabayan sa paglago sa bilang at pagkatototo sa aral ni Cristo. 

Ang mga di umusad na purok o may hadlang ay kailangang ipagpaliban na muna, balikan na lang kapag handa na, at maghanap agad ng kapalit na masimulan at ito ay dapat isaalang alang at mapangasiwaan agad ng lingkod sona (zone servant) at lingkod pangkat (batch servant) at ipagbigay alam sa konseho.


PAGALANG SA PROGRAMA AT MAY AKDA (Intellectual Property Right)


Ang pagkilala at pagpapahalaga sa gawa ng may akda ay pagalang na nararapat lamang pairalin lalo’t ito ay kaugalingang kristiyano na hindi kailan man masisira o mawawala. 

Mahigpit na ipinagbabawal na kopyahin o ‘photocoy/xerox’ ng ano mang bahagi ng manwal (AMP) na ito na walang paalam o kaulukulang pahintulot. Ito ay labag sa batas ng tinawag na ‘intellectual property rights’ o ng kasalanang “plagiarism” o pagnanakaw ng gawa ng iba. Ang pagalang at pagkilala ng may akda ng programa at ng manwal ay suporta na siyang magpapatibay sa ikaapat na haligi sa sistema nitong pinapairal na tinawag na pamaraan at tugon o ‘ways and means’. Ito ay ang pagtangkilik ng aklat o ng AMP sa bawat nagnanais na maging kabahagi sa programang ito. Tandaan, ang pagnanakaw ay isang kasalanan.


Ang pagpapala ng Dios ay suma-ating lahat, at masayang paglilingkod sa ating Panginoong Hesus.











KAAGAPAY SA PAGLAGO NG LOKAL NA APOSTOLIKONG  IGLESIA 




UNANG PANGKAT O BATCH 1 NA NAGTAPOS NG AMP (20 NA MGA DISIPULO)

SILANG LAHAT AY MGA TAGA DISIPULO NA SA KASALUKUYAN


ORIENTATION NG IKALAWANG PANGKAT O BATCH 2 AMP DISCIPLES 

TAGA DISIPULO "IN ACTION"


PAGDIDISIPULO ONLINE











MAHALAGANG AMBAG NG AMP SA SARILI BILANG LINGKOD

















Comments